2 robbery suspects tinutugis P500K SHABU NASAMSAM SA MANHUNT OPERATION

CAVITE – Imbes na mahuli ang dalawang robbery suspect sa follow-up operation, nadiskubre ng Cavite Police ang tinatayang mahigit P500,000 halaga ng umano’y shabu sa tinutuluyang bahay ng mga ito sa Gen. Trias City noong Linggo ng gabi.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sec. 11, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (illegal possession of ammunitions) sina Lovely Luayon, 22, at Aljon Canlas Tongol, 31, na siyang naabutan sa nasabing bahay sa Barangay Navarro, General Trias City.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:20 ng gabi, nagsagawa ng follow-up at hot pursuit operation sa Block 1, Lot 18, MS2 Lancaster New City, Barangay Navarro, General Trias City, ang mga awtoridad hinggil sa isang robbery incident na nangyari dakong alas-3:45 ng umaga noong Enero 8 sa RZG Building, Brgy. Magdalo-Potol, Kawit, Cavite.

Ngunit nadiskubre ng mga awtoridad ang tinatayang 229 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P536,000, sa ibabaw ng lamesa sa isang bahay kung saan inaresto sina Luayon at Canlas.

Sinasabing live-in partner ng isa sa dalawang pinaghahanap na mga suspek sa robbery incident, si Luayon

Nasamsam din ng mga awtoridad sa lugar ang 19 piraso ng sachet ng umano’y shabu, pitong unit ng cellular phone, apat na piraso ng bala ng kalibre .45 na baril, isang magazine ng kalibre .45, pitong piraso ng glass pipe/tube at dalawang lighter.

Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation laban sa mga suspek sa robbery incident. (SIGFRED ADSUARA)

18

Related posts

Leave a Comment