2 SNATCHER, ATTEMPTED HOMICIDE SUSPECT NAKORNER

NABITAG ng mga tauhan ng Manila Police District ang dalawa sa tatlong umano’y mga snatcher sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Renan Lariza, 24, ng Isla Puting Bato, Tondo, at Efren Andal, 32, ng Sta. Cruz, Manila

Patuloy namang tinutugis ang kasamahan ng dalawa na si alyas “Puga”.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Leandro Gutierrez, commander ng MPD-Sta Cruz Police Station 3, sa pagitan ng ala-1:40 hanggang alas-2:00 ng hapon nang mabitag ang mga suspek sa nasabing lugar.

Nauna rito, tatlong babae ang nagpasaklolo sa nagpapatrulyang sina Patrolman Arvin John Echalar, Pat. Jayvin John Tanael at Pat. Wilson Antonio, pawang mga nakatalaga sa Alvarez PCP, sa pamumuno ni Police Major Arnold Echalar, makaraang mabiktima ng tatlong snatcher.

Agad namang nadakip ang dalawa sa mga suspek na positibong kinilala ng mga biktima.

Samantala, nasilo naman ng mga operatiba ng Manila Police District – Jose Abad Santos Police Station 7, ang isang 67-anyos na jeepney driver sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong attempted homicide, sa Gagalangin, Tondo, Manila, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Mauro Tacata, binata, ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Ramon Czar Solas, station commander, bandang alas-10:11 ng umaga nang mamataan ang suspek sa harap ng kanyang bahay.

Agad nagkasa ng manhunt operation ang mga awtoridad sa pangunguna ni Police Captain Jo-An Dorado, at sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Carolina Esguerra, ng Metropolitan Trial Court Branch 14 ng Manila, ay inaresto ang suspek.

(RENE CRISOSTOMO)

158

Related posts

Leave a Comment