2 SUGATAN SA AMBUSH SA LUCENA

LUCENA CITY – Dalawa katao ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa lungsod noong Huwebes ng gabi.

Batay sa report ng Lucena City Police, nangyari ang pamamaril dakong alas-9:30 ng gabi sa Maharlika Highway, Brgy. Ibabang Iyam.

Ayon sa imbestigasyon, naglalakad sa lugar ang biktimang si Jordan Roxas Pilar, 28-anyos, construction worker, residente ng Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City, nang pagbabarilin ito ng riding in tandem suspect.

Nahagip naman ng ligaw na bala ang isa pang biktima na si Fredyrex Jaco Catubua, 35-anyos, driver, na nagkataong kumakain sa lugar nang mangyari ang insidente.

Mabilis na tumakas ang mga suspek na magkaangkas sa isang enduro motorcycle, patungo sa direksyon ng city proper.

Isinugod ang dalawa sa ospital at nasa stable nang kalagayan.

Agad nagsagawa ang dragnet operation ang mga awtoridad subalit tuluyang nakatakas ang mga suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

139

Related posts

Leave a Comment