BATANGAS – Dalawang hindi pa kilalang bangkay ng isang babae at isang lalaki ang nadiskubre sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.
Ayon sa report ng Nasugbu Police, nadiskubre ng isang security guard ang mga bangkay sa gilid ng isang bagong gawang kalsada sa Sitio Angara, Barangay Natipuan.
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, natuklasan na sunog ang ilang bahagi ng katawan ng mga ito, indikasyon na nais ng mga suspek na maitago ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Ayon pa sa pulisya, posibleng biktima ang mga ito ng summary execution at itinapon lamang doon ang mga katawan. (NILOU DEL CARMEN)
