2 TIMBOG SA DAMO SA MAYNILA

DALAWANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip makaraang makumpiskahan ng mga tauhan ng Manila Police District ng umano’y marijuana sa magkahiwalay na lugar sa Sampaloc, Manila.

Unang binitbit ng mga operatiba ng MPD-Barbosa Police Station 14 , si Mark Adonis y Delos Santos, 27, binata, jobless, ng Barangay 410 , Sampaloc.

Si Adonis ay nadakip dakong alas-10:45 ng gabi noong Martes ng mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Station commander, sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation sa area ng Legarda Street.

Nakumpiska sa suspek ang isang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na 10 gramo at nagkakahalagang P1,200.

Samantala, habang nagpapatrulya naman ang mga tauhan ng University Belt Area PCP, sakop ng Station 14, isang estudyante ang nakitaan ng pinatuyong dahon ng Marijuana sa loob ng gusali sa Gastambide Street sakop ng Brgy. 408 sa Sampaloc, bandang alas-5:00 ng hapon ng sumunod na araw.

Ang suspek na kinilalang si alyas “Jassim”, 19, ay nakumpiskahan ng

P600 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana o kush. (RENE CRISOSTOMO)

37

Related posts

Leave a Comment