2 TIMBOG SA P2-M SHABU, BARIL

NATIMBOG ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District Station 9 ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng mahigit P2 milyong halaga ng umano’y shabu at baril sa Malate, Manila noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang suspek na sina Joel Gan Jr., 28, ng Tanza, Cavite , at Micaela Malto, 26, dalaga, ng San Andres Bukid, Malate, Manila.

Si Gan na target ng operasyon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng Republic Act 9165 at RA 1059 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) habang si Malto ay nahaharap lamang sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, station commander, bandang alas-10:40 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation sa San Andres St. malapit sa panulukan ng Osmeña Highway sa Malate, sa pangunguna ni P/Lt. Josephus Melpaz, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 373 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na mahigit P2 milyon. (RENE CRISOSTOMO)

7

Related posts

Leave a Comment