2 TIRADOR NG MOTORSIKLO ARESTADO SA LAGUNA

LAGUNA – Arestado ang dalawang umano’y sangkot sa kasong carnapping sa Brgy. Vitin, sa bayan ng Bay sa lalawigang ito, noong Lunes.

Nadakip ang mga suspek na sina Roger Lina Esculla at Jeffrey Agsalud matapos ireklamo sa kasong carnapping ng biktimang si Bryan Bautista Ortiz .

Ayon kina P/SSgt. Dominic Julian at P/SSgt. Frederick Bembo, dakong alas-2:30 ng hapon nangyari ang insidente sa Brgy. Bitin, Bay, Laguna.

Alas-5:20 ng hapon, nagsagawa ng joint follow-up operation ang Bay Police Station at Calamba PNP at nasakote ang mga suspek sa Sitio Pulong Candy, Brgy. Sampiruhan, Calamba City.

Narekober naman ang kinarnap na motorsiklo ng biktima sa Rafal Metal Scrap, sa Brgy. Halang, lungsod ng Calamba. (ENOCK ECHAGUE)

Related posts

Leave a Comment