2 TODAS SA MOTORCYCLE ACCIDENT SA BATANGAS

BATANGAS – Dalawa ang patay sa dalawang magkahiwalay na aksidente na kinasangkutan ng motorsiklo at isang tricycle sa lalawigang ito, noong Linggo.

Nangyari ang unang aksidente sa Sto. Tomas-Lipa Road sa Barangay San Isidro kung saan sumemplang ang tricycle na minamaneho ni Walter Esuma, 34, matapos na sumalpok sa gutter ng kalsada noong Linggo ng umaga.

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang biktima dahil sa grabeng pinsala sa katawan.

Grabe ring nasugatan ang pasaherto nito na si Pedro Bintang, 24, nilalapatan ng lunas sa ospital.

Samantala sa Batangas City, patay ang delivery rider na si Jennie Alba, 34, residente ng Pasig City, matapos na ang minamaneho nitong motorsiklo ay sumalpok sa isang kotseng Mitsubishi Lancer at sa isang Mitsubishi Pajero sa national highway sakop ng Barangay Sorosoro Karsada, Batangas City, alas-3:00 ng hapon noong Linggo.

Binawian ito ng buhay habang ginagamot sa St. Camillus de Lellis Hospital habang kritikal ang kalagayan ng maybahay nitong angkas na si Kristel Nadine Alba, 33-anyos.

Ayon sa pulisya, dahil sa mabilis na takbo, nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima at sinakop ang linya ng dalawang kasalubong na sasakyan kaya nagkasalpukan. (NILOU DEL CARMEN)

1

Related posts

Leave a Comment