2 TRABAHADOR NAKURYENTE SA PALAISDAAN, PATAY

patay

BATANGAS – Patay ang dalawang trabahador ng palaisdaan matapos na makuryente habang naglilinis sa fishpond sa Barangay Nonong Casto, sa bayan ng Lemery sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Renante Batchar, 41, at Mark Anthony Bethel, 22-anyos.

Batay sa report ng Lemery Police, dakong alas-4:00 ng hapon, nililinis ng dalawa ang fishpond nang bigla na lamang ang mga itong mangisay habang nasa tubig.

Lumabas sa imbestigasyon na nakuryente ang mga ito dahil sa grounded na linya ng submersible pump.

Agad nagresponde ang mga kasamahan sa trabaho ng dalawa at isinugod ang mga biktima sa ospital subalit kapwa idineklarang dead on arrival ang mga ito. (NILOU DEL CARMEN

29

Related posts

Leave a Comment