2 TULAK NABITAG SA RILES

SWAK sa selda ang dalawa katao makaraang madakip ng mga tauhan ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, sa inilatag na anti-drug operation sa riles ng tren ng PNR, malapit sa panulukan ng G. Tuazon Street sa Sampaloc, Manila nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang dalawang nadakip na sina Edepono Mariano, 43, at Mariane Pandato, 46-anyos.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, commander ng Station 4, bandang alas-12:15 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust operation sa riles ng tren na sakop ng Barangay 422, Zone 42 sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang maliit na sachet ng umano’y shabu at tatlong bulto ng nasabing ilegal na droga na tinatayang umabot sa P68,000 ang halaga. (RENE CRISOSTOMO)

48

Related posts

Leave a Comment