20 MWPs NABITAG SA CALABARZON

Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna – Pumalo sa 20 katao ang bilang ng naarestong most wanted persons ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit – Calabarzon sa loob ng isang linggong operasyon, mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4, 2022.

Habang 28 ang nahuli laban sa ilegal na sugal at P5,5000 ang halagang nakolektang ebidensya.

Sa pagpapatupad naman ng other Law Enforcement Activities o OLEA, umabot sa 9 katao ang naaresto, 6 rito ang sinampahan na ng kaukulang kaso.

May kabuuang P162,000 ang nakumpiskang halaga na gagamitin bilang ebidensya laban sa mga akusado.

Ayon kay CIDG RFU4-A Officer-in-Charge, Police Lt. Col. Joel Manuel Ana, “The numbers show the CIDG RFU 4A’s commitment and dedication to fulfill its mandates against all forms of criminality to support the Police Regional 4-A in enhancing the peace and order situation in the Calabarzon region.” (CYRILL QUILO)

113

Related posts

Leave a Comment