2022 NLE relatively peaceful pero.. AFP NANANATILING NAKAALERTO

 “TO those performing election duties – walang tulugan (remain alert) until told to stand down.”

Ito ang tagubilin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga sundalo at pulis bagamat masasabi umanong naging mapayapa, maayos at  malinis ang ginanap na halalan noong Lunes Mayo 9, 2022.

“Kung titingnan natin naman relatively peaceful ang naganap na eleksyon, orderly and peaceful and we can say honest kasi na-prevent naman natin ang mga attempt ng mga ibang grupo na gumawa ng atrocities, takutin ‘yung mga boboto,” pahayag naman ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Nabatid na may mahigit 16 election related violence ang naitala ng AFP at ng PNP. Ayon kay Sec. Año, “yung sa mga violence na-report naman ng PNP at saka AFP,   kunti lang e, very isolated tapos titingnan natin mostly nandun sa Maguindanao area at Lanao del sur. Dito naman sa Luzon ‘yung Abra, ‘yung Nueva Ecija. ‘yun lang naman ang nakikita natin merong naganap na violence.”

Ayon pa sa kalihim, masasabing generally peaceful ang election dahil naging maganda ang ginawang paghahanda ng COMELEC, ng ating AFP at saka ng ating PNP.

“Nanatiling nakabantay pa rin ang mga pulis sa ilang polling centers and at same time kailangan pa rin bantayan natin dahil habang nagta-transmit.”

Nabatid na hindi pa rin tapos ang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) sa pagtatapos ng araw ng botohan sa 2022 national and local elections.

Ayon kay PNP Officer in Charge P/Lt. Gen. Vicente Danao, mananatiling nakaalerto ang PNP para sa inaasahang “post-election violence”.

Aniya, pinaghandaan ng PNP ang iba’t ibang senaryo kung saan inaasahan ang matinding tunggalian ng mga magkakalaban sa politika kapag lumabas na ang resulta ng eleksyon.

Sinabi pa ni Lt. Gen Danao, mayroon nakalatag na contingency plan ang PNP hanggang sa matapos ang electoral process at mailuklok sa pwesto ang mga nanalo sa eleksyon.

Inamin naman ni Danao na mayroon silang nakalap na intelligence reports na may mga grupo na nagbabalak na mang-agitate kapag hindi nila magustuhan ang resulta ng botohan.

Kaya naman babala ni Danao sa mga grupong ito na huwag nang tangkaing ituloy ang kanilang masamang balak dahil nakahanda ang PNP na harapin sila anumang oras.

“We can say that despite the 15 election related violent incidents, our presence has provided confidence to our people to vote and prevented those who have planned atrocities in carrying it out and so therefore majority of the areas where we were deployed, its peaceful and we are able to secure so that the people can vote, pahayag naman ni Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng AFP.

Umabot sa 15 election related violent incidents ang naitala kabilang ang serye ng mga pagpapasabog na ikinasugat ng siyam katao, pagpatay sa tatlong Barangay Peace Action Team, pananambang   sa dalawang mayoralty candidates at pagpatay sa isang guro. (JESSE KABEL)

 

111

Related posts

Leave a Comment