2028 presidential bets survey VP SARA, 24%; SPEAKER MARTIN, 1%

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

SI Vice President Sara Duterte pa rin ang nangunguna sa listahan ng mga posibleng tumakbo sa susunod na presidential election, base sa resulta ng survey ng isang public opinion firm na inilabas nitong Lunes.

Ayon sa survey ng WR Numero, si VP Sara ang pinili ng 24% na tinanong kung “sino ang iboboto nilang presidente kung gaganapin ang eleksyon ngayon”.

Nasa dulo naman ng listahan si House Speaker Martin Romualdez na nakakuha lamang ng isang porsiyento. Pumangalawa si dating vice president Leni Robredo na nakakuha ng 9% na boto.

Pang-apat at panglima sina Senador Grace Poe at Senador Imee Marcos na parehong nakakuha ng 5% mula sa survey.

Magkapareho namang 4% ang nakuhang boto nina Senador Risa Hontiveros at dating Senador Manny Pacquiao.

Sa naturang survey na isinagawa mula Setyembre 5 hanggang 23, ngayong taon, 18% ang nagsabing wala pa silang napipisil na kandidato bilang pangulo para sa susunod na halalan.

Ang survey ay may 1,729 respondents na mula 18-anyos pataas ang edad at may margin of error na ±2%.

24

Related posts

Leave a Comment