21 EMPLEYADO ARESTADO SA 2 ONLINE CASINO

LAGUNA – Arestado ang 21 empleyado ng illegal online casino sa isinagawang magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng Biñan CPS at San Pedro CPS noong Lunes sa lalawigang ito.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO, ang mga suspek na naaresto ng Biñan PNP na sina alyas Heimrich, Jhundel, Denzel, Japhet, Aaron, Jonathan, John, Borgy, Christian, Bren, Jon, Robert, Anthony, Philip John, habang naaresto  naman ng San Pedro PNP sina alyas Kimberly, Kent, Darwin, Jezreel, Mary, Dan, at Estefen.

Ayon sa ulat ng Biñan City Police Station sa pamumuno ni P/Lt. Col. Virgilio Jopia, hepe ng Biñan CPS, nagkasa sila ng anti-illegal gambling operation noong Lunes sa Block 16, Lot 2, Tennessee Street, Southville Town and Country sa Brgy. Sto. Tomas, Biñan, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspek matapos mahuli sa aktong nangungulekta ng bet money para sa online casino.

Ayon naman sa ulat ng San Pedro City Police Station, sa pamumuno ni Lt. Col. Victor Ben Isidore Aclan, hepe ng San Pedro CPS, nagkasa sila ng joint anti-illegal gambling operation kasama ang PSOU-LPPO at PIU-LPPO noong Lunes sa No. 14 Macaria Avenue, B1, L13, Phase 3-A, Brgy. Pacita 1, San Pedro City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspek sa aktong nag-o-operate ng online casino.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS at San Pedro CPS custodial facility ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287 in relation to RA 10175, habang sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002 sina alyas Heinrich, Jundel, Denzel, Aaron, John, Jon at si John matapos mahulin ng hinihinalang ilegal na droga. (CYRILL QUILO)

33

Related posts

Leave a Comment