265 TONS NG BASURA NAHAKOT SA PISTA NG QUIAPO

HALOS umabot sa 265 metriko tonelada ng mga basura ang nahakot ng mga tauhan ng Department of Public Safety ng Maynila, na iniwan ng mga deboto sa ilang araw na selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand at sa Quiapo, Manila.

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna, katumbas ito ng 99 truck ng basura na nahakot mula Enero 6 hanggang 9.

Mas marami ito sa nahakot na basura noong 2021 na may 196 metriko tonelada o 57 truck ng basura, at noong 2022 na may 89 metriko tonelada o 34 truck ng basura lamang.

“Mas marami ang collection natin compared to previous years due to the pandemic set up,” pahayag ni Abante.

Mas mababa naman ang bilang ngayong taon kumpara sa pre-pandemic sa bansa noong 2020 na nakahakot ng 394 metriko toneladang basura.  Ito ang huling taon na nagkasa ang Simbahan ng Quiapo ng Traslacion na pinalitan ngayon ng “Walk of Faith”. (RENE CRISOSTOMO)

106

Related posts

Leave a Comment