29 SABUNGERO BINITBIT NG CIDG

CAVITE – Nabulaga ang 29 mga sabungero kabilang ang pitong senior citizen, nang bitbitin ng mga tauhan ng Cavite Police sa aktong nagsasagawa ng tupada sa bayan ng Gen. Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga .

Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang magsagawa ng Oplan Roulette  ang  pinagsamang pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cavite PFU; CIDG RFU4A RSOT, PMFC Cavite, GMA MPS at S2 Cavite, sa Block 22, Brgy. F. Reyes, GMA, Cavite kung saan naaktuhan ang mga sabungero habang nagsasagawa ng tupada.

Nakuha ng mga awtoridad sa lugar ang P5,500 na taya, isang dosenang tari, isang karayom, gunting at anim na panabong na manok.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 449 (Cockfighting Law of 1974) ang mga arestado na kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Cavite PFU. (SIGFRED ADSUARA)

46

Related posts

Leave a Comment