3-ANYOS NILUNOD, INILIBING NG INA SA SAPA

QUEZON – Makaran ang mahigit anim na buwang pagtatago sa batas, natimbog ng mga awtoridad noong Huwebes ang isang babaeng wanted sa pagpatay at paglibing sa 3-anyos niyang anak na lalaki sa bayan ng Catanauan sa lalawigang ito noong nakaraang Mayo.

Kinilala ang suspek na si Lyn-Lyn Capio Monterey, 25-anyos.

Si Monterey na nakatala bilang isa sa regional most wanted persons, ay naaresto ng mga tauhan ng Catanauan Police nang ito ay lumitaw  sa Brgy. Sta. Maria Dao dakong alas 6:30 ng umaga, sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 96, ng Catanauan, para sa kasong infanticide.

Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa kaso ng nasabing suspek.

Batay sa record  ng Catanauan Police, noong Mayo 29, 2022 nang lunurin ng suspek ang kanyang 3-anyos na anak na lalaki sa sapa sa tabi ng kanilang bahay sa Sitio Central, Barangay Sta. Maria.

Sa naunang imbestigasyon ng pulisya, sinasabing narinig ng isang testigo ang suspek na nagsasalita at sinasabing napapagod na ito sa pag-aalaga sa biktima kaya niya ito nilunod at pagkatapos ay inilibing sa gilid ng sapa. (NILOU DEL CARMEN)

42

Related posts

Leave a Comment