3 ARESTADO SA BUY-BUST SA ZAMBALES

CASTILLEJOS, Zambales- Laglag sa mga otoridad ang tatlong drug suspek sa ikinasang operasyon nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Police Major Napoleon Baquiran, hepe ng Castillejos Municipal Police Station, ikinasa ang buy-bust operation dakong alas onse pasado ng gabi sa Barangay San Pablo kung saan naninirahan ang target na suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Nakumpiska ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 2.6 gramo mula sa suspek na si Roy Adolfo y Hipolito, 41, na ayon sa kapulisan ay ‘watchlisted’ at dalawang kasamahan nito na sina Marc Jerome Abrajano y Lopez at Alexis Kim Milllares y Arenas na kapwa residente sa lungsod ng Olongapo.

Batay sa talaan ng pulisya, dati na ring naaresto sina Adolfo at Abrajano sa parehong kaso na may kinalaman sa ilegal na droga. (Jay-Czar C. La Torre)

44

Related posts

Leave a Comment