3 ARESTADO SA P432K DAMO SA ZAMBALES

ZAMBALES – Tatlong kalalakihan ang arestado sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng San Narciso Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit, Zambales PIU, at 2nd PMFC sa Barangay Simminublan sa bayan ng San Narciso sa lalawigang ito, noong Pebrero 14.

Kinilala ni Zambales PNP Provincial Director P/Col. Fitz Macariola ang arestadong mga suspek na sina Darewyll John Dano, 23; Jude Fortin Balmaceda, 24, at Joey Lopez Deocareza, 21-anyos.

Apat na bloke at 11 pakete ng hinihinalang marijuana na may kabuuang timbang na 3,600 gramo na may street value na P432,000 nakumpiska mula sa nasabing mga suspek. Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JAY-CZAR LA TORRE)

47

Related posts

Leave a Comment