3 ASO, 7 PUSA PATAY SA SUNOG SA PACO

SINAWING PALAD na makasama sa nasunog na bahay ng kanilang pet owner ang tatlong aso at pitong pusa sa Paco, Manila, Linggo ng gabi.

Nagawang maisalba ng mga kapitbahay sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana ang senior citizen na si Cristela Ong habang nilalamon ng apoy ang kanyang unit sa gusali sa Angel Linao Street, Paco.

Sa ulat ng Manila Fire Department, nagsimula ang sunog bandang 10:29 ng gabi.

Pag-aari umano ni Ong ang nasunog na sari-sari store sa nasabing gusali. Nang magsimula ang apoy ay natutulog ang matanda sa ikalawang palapag ng unit ngunit nagising ito nang makaamoy ng usok at agad humingi ng saklolo.

Nabigong mailabas ang mga alagang hayop ng matanda.

Nadamay rin sa sunog ang ilang katabing establisimyento. (RENE CRISOSTOMO)

31

Related posts

Leave a Comment