3 CAFGU PATAY SA AMBUSH

patay

COTABATO – Dead on the spot ang tatlong kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) nang tambangan ng armadong kalalakihan kahapon ng umaga sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng military at ng Cotabato PPO, bandang alas-5:30 ng umaga isinagawa ng hinihinalang lawless element ang pag-ambush sa grupo ng paramilitary.

Agad na namatay sa insidente sina Ariel Cedino Jr., Uy-uy Mancera at Joel Chavez, pawang kasapi ng CAFGU sa ilalim ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) ng Battalion Philippine Army.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng Philippine Army 602nd Brigade, sakay ng motorsiklo ang mga biktima mula sa kanilang kampo at pauwi sa kanilang bahay nang pagbabarilin pagsapit sa Barangay Manaulanan Pikit Cotabato.

Agad tumakas ang mga suspek nang magresponde ang mga sundalo, pulis at kasamahan nilang mga CAFGU. (JESSE KABEL RUIZ)

15

Related posts

Leave a Comment