3 CONTRACTUAL WORKERS TIMBOG SA QUALIFIED THEFT

CAVITE – Arestado ang tatlong contractual workers nang ipuslit ng mga ito ang tinatayang mahigit sa P11,000 halaga ng mga gamit ng kumpanya sa Gen. Trias City noong Linggo ng gabi.

Nahaharap sa kasong qualified theft ang mga suspek na sina alyas “Rey”, “Ruel” at “Liza” dahil sa reklamo ni Marvin Munar.

Ayon sa ulat, palabas ng gate ng planta sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City ang mga suspek na pawang maintenance crew, sakay ng isang Isuzu pick-up na may plakang UBZ 703, dakong alas-7:45 ng gabi.

Ngunit nang inspeksiyunin ng guwardiya sa gate ang nasabing sasakyan, nadiskubre ang nakatagong 211 piraso ng 200mm bolts and nuts, isang freon tank at 20 kgs ng metal scrap na may kabuuang halaga na P11,527, na pagmamay-ari ng nasabing kumpanya.

(SIGFRED ADSUARA)

168

Related posts

Leave a Comment