3 CPP-NPA KADRE NALAGAS SA SAGUPAAN

PATAY ang tatlong kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa sagupaan sa Panay at Negros, ayon sa ulat ng military noong Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat na nakarating sa Philippine Army headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City, isang hindi pa nakikilalang communist terrorist umano ang napatay sa engkwentro nang magsagupa ang tropa ng 31st Division Reconnaissance Company na nasa pangangasiwa ng 12th Infantry Battalion sa Sitio Maytaraw, Barangay Dalagaa-an, Libacao, Aklan.

Nangyari ang bakbakan bandang alas-2:10 ng hapon noong Linggo na nagresulta sa kamatayan ng isang NPA at nabawi ang isang shotgun na may bala, mga bala para sa 5.56 rifles, isang backpack, NPA belongings at iba pang mga NPA war materiel.

Bandang alas-3:30 ng hapon, dalawang NPA members ang napatay rin sa 20 minutong sagupaan sa pagitan ng 94th Infantry Battalion at 15 NPA members at Sitio Kulihaw, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental.

Kinilala ang mga napaslang na NPA na sina Elbert Nicolas Quillano, alyas “Carding”, Finance Officer ng SDG Platoon, at Jessa Luiso Quillano, alyas “Clean/Js”, medical officer ng nasabing NPA unit. (JESSE KABEL)

165

Related posts

Leave a Comment