3 GCASH SCAMMERS TIMBOG SA LAGUNA

LAGUNA – Natimbog ng mga awtoridad noong Huwebes ang tatlong hinihinalang GCash scammers sa Cabuyao City sa lalawigang ito, makaraang makakulimbat ng pera gamit ang social media account ng biktima.

Kinilala ang mga suspek na sina Jazer Del Mundo at Neil Patrick Magas at isa pang babae.

Batay sa report ng Cabuyao City Police, dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Andres Capacete makaraang mabatid na nagamit ng mga suspek ang kanyang Facebook account at nag-message sa kanyang FB friends para mangutang ng pera.

Sinabi umano ng mga suspek na ipadala ang inuutang nilang pera sa GCash account na kinukubra naman ng babaeng suspek.

Kasama sa nakunan ng pera ng mga suspek ang kaibigan ng biktima na si Estaphanie Jonem.

Nadiskubre umano ng biktima ang modus operandi ng mga suspek nang singilin siya ni Jonem sa ‘inutang’ niyang pera na ipinadala niya sa GCash.

Sa pamamagitan ng tulong ng may-ari ng isang GCash encashment sa Brgy. San Cristobal kung saan nag-encash ng pera ay nahuli ang babae na siyang kumubra ng pera.

Naaresto rin sa follow-up operation ng mga pulis sina Del Mundo at Magas.

Nasa kustodiya na ang tatlong suspek ng Cabuyao Police at nakatakdang sampahan ng kaso. (NILOU DEL CARMEN)

80

Related posts

Leave a Comment