3 HVIs SWAK SA SELDA SA P1-M SHABU

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam matapos maaresto ang tatlong hinihinalang tulak at nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Lunes ng gabi.

Kasong paglabag sa Sec. 5, 11 at 26 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng mga suspek na sina Oliver Manato y Rovero, 30, street vendor ng Lucena City; John Rasul Deculano y Cañalita, 21, construction worker ng Las Piñas City, at Susie Gongora y Gucon, 38, ng Lucban, Quezon.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilfred Villanueva ng Bacoor City Police, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng RPDEU 4A, PDEU Cavite PPO, Bacoor CPS, PDEG-SOU 4A at PDEA 4A sa Phase 2, Soldiers Hills Subd., Molino IV, Bacoor City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 200 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,360,000; buy-bust money, at tatlong cellular phones. (SIGFRED ADSUARA)

35

Related posts

Leave a Comment