3 ‘KILLERS’ NG HIGH SCHOOL TEACHER ARESTADO

LEYTE – Naaresto na ang tatlong suspek sa pagpaslang sa isang 38-anyos na high school teacher na si Bernabe Basiano na natagpuang tadtad ng saksak sa damuhan, ilang metro ang layo sa kanyang bahay sa Tacloban City noong Sabado.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Mark Justine Conde, 23; Yasse Ivan Yu, 18, at Darwin Versoza, 18, pawang ng Barangay 68, Anibong, Tacloban.

Sinampahan ang mga ito ng kasong robbery with homicide sa Office of the Prosecutors sa Tacloban.

Ang nasabing mga suspek ay naaresto sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis matapos na ituro ng isang testigo.

Base sa ulat ng Tacloban City Police Station, natagpuan ang bangkay ni Baciano pasado alas-tres ng tanghali noong Sabado sa madamong bahagi ng lugar malapit sa bahay nito sa Barangay 98-Camansihay. May mga tama ito ng saksak sa leeg.

Lumabas sa imbestigasyon na hindi sa naturang lugar pinatay ng mga suspek ang biktima.

Balak sana umano ng mga suspek na holdapin lamang ang biktima sa isang lugar subalit pumalag ito kaya nasaksak. Pagkaraan ay dinala ang bangkay ng biktima malapit sa bahay nito.

Ang biktima na taga Saint Francis Village, Barangay Buhi, Tacloban City, ay guro sa Antonio Balmes National High School sa Barangay 103-A, Paglaum, sa naturang Lungsod.

(NILOU DEL CARMEN)

 

131

Related posts

Leave a Comment