3 MAGKAKAANAK NALUNOD SA MISAMIS ORIENTAL RESORT

MISAMIS ORIENTAL – Patay ang isang babae gayundin ang dalagang anak nito at ang isa pa nilang kaaanak, matapos na sila ay malunod habang naliligo sa isang beach resort sa Barangay Barra, sa bayan ng Opol sa lalawigan noong Linggo ng umaga.

Ayon sa report ng Opol, Misamis Police, ang mga nalunod ay ang nanay na si Charlene Delante, kanyang anak na si Nicka Delante, 20, 2nd year Criminology student, at ang menor de edad na si Ashley Jane Alumbro, pawang mga residente ng Barangay Dominorog sa Talakag, Bukidnon.

Nangyari ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga, habang naliligo umano ang mga biktima nang hampasin ang mga ito ng malalaking alon at natangay sa malalim na bahagi ng dagat.

Nasagip ng nagrespondeng mga tauhan ng MDRRMO at Maritime Police ang mag-ina at isinugod sa ospital subalit parehong idineklarang dead on arrival ang mga ito.

Pasado alas-12:00 naman ng tanghali nang marekober ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at iba pang responding rescue unit, ang wala na ring buhay na menor de edad.

(NILOU DEL CARMEN)

140

Related posts

Leave a Comment