3 NIGERIAN NATIONALS BINITBIT SA ESTAFA

CAVITE – Arestado ang tatlong Nigerian nationals na may kasong estafa, sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bisa ng warrant of arrest, sa Imus City noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga arestado na sina Chinaesom Nwadike y Fedrick, 31; Bright Okoro y Chingoron , 32, at Chileta Iwunze y Justine, 32-anyos, pawang Nigerian nationals.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:20 ng hapon, nagsagawa ng Oplan Pagtugis ang mga operatiba ng CIDG-Cavite PFU sa Brgy. Palico IV, Imus City Cavite kung saan naaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rocille Aquino Tambasacan, ng RTC Br. 21, Imus City, Cavite dahil sa kasong estafa in relation to RA 10175.

Ang pagkakaaresto sa mga dayuhan ay bunsod ng impormasyon na natanggap ng mga awtoridad na ang mga suspek ay nasa nasabing lugar.

May inirekomendang P18,000 na piyansa ang korte sa bawat isa sa mga suspek para sa kanilang pansamantalang paglaya. (SIGFRED ADSUARA)

30

Related posts

Leave a Comment