3 PATAY SA PAMAMARIL SA QUEZON

QUEZON – Tatlo ang patay kabilang ang dalawang babae, sa magkasunod na insidente ng pamamaril sa bayan ng Sariaya at sa Lucena City sa lalawigang ito, noong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa report ng Quezon Police Provincial Office, unang napatay ang biktimang si Eva Magtibay Quirante, 56, residente ng Barangay San Isidro, Candelaria, matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Sitio Hacienda Marquez, Brgy. Manggalang, Bantilan, Sariaya dakong alas-7:00 ng gabi.

Ayon sa asawa ng biktima, nakarinig siya ng ilang mga putok ng baril hindi kalayuan sa kanilang bahay at nang kanyang tingnan ay nakita nito ang kanyang misis na may tama ng bala sa ulo at wala nang buhay.

Sa Lucena City, patay ang mga biktimang sina John Carlo  Leoparte , 35-anyos, at Charisse Daen, 25, nang pagbabarilin ng isang hindi kilalang lalaki sa Brgy. 6, sa city proper ng Lucena City dakong alas-11:45 ng gabi noong Miyerkoles.

Ayon sa report ng Lucena City Police, dead on the spot si Leoparte dahil sa tama ng mga bala sa dibdib mula sa .45 kalibreng baril.

Tinamaan naman ng mga bala sa kanyang ulo, binti at maselang bahagi ng katawan si Daen na naisugod pa sa ospital ngunit nalagutan ng hininga.

Napag-alaman sa imbestigasyon, isang “pick-up girl” umano si Daen na tumatambay sa gabi sa harap ng isang motel sa nasabing lugar.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

174

Related posts

Leave a Comment