3 PATAY SA PAMAMARIL SA QUEZON

QUEZON – Tatlong lalaki ang namatay sa dalawang magkasunod na insidente ng pamamaril sa lalawigang ito, noong Lunes.

Ayon sa ulat, magkasamang nanonood ng telebisyon sa loob ng isang vulcanizing shop sa Brgy. Malabanban Norte sa Candelaria ang dalawang biktimang sina Michael Tañada Fuentes, 40, at Jerome Luterte Maraon, 28, nang dumating ang mga suspek at sila ay pinagbabaril dakong alas-9:00 ng gabi.

Habang sa bayan ng Lopez, pinagbabaril din hanggang sa mapatay ang furniture maker na si Michael Nobilla Fullante, 40, sa loob ng bahay nito sa Barangay Calantipayan. (NILOU DEL CARMEN)

55

Related posts

Leave a Comment