3 PROVINCIAL MWPs DINAKMA SA CAVITE

CAVITE – Dinakma ng mga tauhan ng Cavite Police ang tatlong most wanted persons (MWPs), kabilang ang isang menor de edad, sa isinagawang operasyon sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga arestado na sina Aljon Borlagdaton y Marteja, 24, isang alyas “Jay”, 17, kapwa construction worker, at Victorious Baylosis y Blanca,  29, isang security guard.

Si Borlagdaton at alyas “Jay” ay naaresto dakong alas-6:00 ng gabi sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, ng mga operatiba ng RID 4A-RIT/RSOU (lead unit), RMFB 4A-HQ at Dasmariñas CPS, dahil sa kasong homicide.

Dakong alas-7:00 naman ng gabi, nagsagawa ng operasyon ang RMFB 4A-Headquarters, RID 4A (RIT-Cavite) at Silang MPS, sa Brgy. Yakal, Silang, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay Baylosis dahil sa kasong robbery.

Ang tatlo ay itinuturing na MWPs provincial level. (SIGFRED ADSUARA)

105

Related posts

Leave a Comment