3 PUSHER TIMBOG SA P200K MARIJUANA

RIZAL – Arestado ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng P200,000 halaga ng marijuana sa bayan ng Montalban, sa lalawigang ito.

Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino B. Pipo Jr., hepe ng Montalban Municipal Police, ang mga nadakip na sina John Paul Añonuevo y Orosa, James Lariosa y Pajagas at Ulama Alonday y Romapa.

Nadakip ang mga suspek sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa B-43, L-12, P5, Centella Subdivision, Brgy, San Isidro Rodriguez, Rizal dakong alas-10:00 ng gabi noong Disyembre 9, 2021.

Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Montalban Municipal Police Station, sa pamumuno ni P/Lt. Fernan Romulo, sa koordinasyon sa PDEA 4A, matapos makabili ang poseur buyer ng ilegal na droga.

Ayon kay P/SSgt. Andrew Briso, nakumpiska sa mga suspek ang pitong sachet na naglalaman ng 1,667 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang P200,000 ang halaga.

Bukod dito, nakuhanan din ang mga suspek ng .45 kalibreng baril na may pitong bala.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). (KNOTS ALFORTE)’

37

Related posts

Leave a Comment