3 SMALL TIME DRUG PUSHERS IBINALIBAG SA SELDA

IBINALIBAG sa selda ang tatlong hinihinalang small time drug pushers makaraang matiklo sa buy-bust operation sa Malabon City.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek na sina Josefino Almocera, 56; Marilou Perez alyas “Loloy”, 51, at Marlon Dela Cruz, 44, pawang ng Caloocan City.

Bandang 1:45 ng umaga noong Nobyembre 16 nang isagawa ang operasyon sa M.H. Del Pilar St., Brgy. Tugatog, Malabon City at agad dinamba ang mga suspek nang paiskorin ng P500 halaga ng umano’y shabu ang isang undercover cop.

Kinumpiska sa tatlo ang 3.85 gramo ng umano’y shabu na P26,180 ang halaga, at  buy-bust money saka sila idiniretso sa presinto. (ALAIN AJERO)

23

Related posts

Leave a Comment