3 TERORISTA NALAGAS SA ESCALANTE ENCOUNTER

TATLONG kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Negros Island ang napatay ng tumutugis na mga tauhan ng Philippine Army habang ilang mataas na kalibre ng baril ang nasamsam sa serye ng sagupaan sa Sitio Mansulao, Barangay Pinapugasan, sa Escalante City

Unang nakasagupa ng Army’s 79th Infantry Battalion habang nagsasagawa ng combat operations, bandang alas-11:00 noong Miyerkoles ng tanghali, ang nalalabing mga miyembro ng dismantled Northern Negros Front (NNF) habang nagsasagawa ng pangingikil sa lugar.

Tumagal ng kulang isang oras ang sagupaan bago nagpasyang umatras ang grupo ng communist New People’s Army subalit bandang alas-2:00 ng hapon noong Miyerkoles ay muli silang nagkasagupa na tumagal ng ilang minuto.

Naniniwalang nasa area pa ang tinutugis na mga rebelde at binabantayan ang kanilang sugatang mga kasamahan dahil muli silang napalaban sa military nitong Huwebes ng umaga.

Bukod sa tatlong bangkay na narekober ng military (dalawang lalaki at isang babae), nakuha rin sa unang encounter site ang isang M653 assault rifle, isang AK47, at isang .45 caliber pistol.

Nabatid na apat na mga sundalo rin kabilang ang isang CAFGU Active Auxiliary, ang nasugatan sa nangyaring sagupaan, subalit pawang nasa ligtas nang kondisyon matapos na mailikas sa pinakamalapit na pagamutan.

Pinapurihan naman ng pamunuan ng 3rd Infantry (Spearhead) Division ang mga tauhan ng 79IB at maging ang local residents dahil sa pakikipagtulungan nila na ituro ang CTGs na nagresulta sa pagkaneyutralisa ng tatlong NPA.

“The collective resolve of the people of Negros Island to attain Stable Internal Peace and Security (SIPS) is evident, driven by the realization of its advantageous impact on various aspects of life, livelihood, tourism, and economic prosperity across the island. Negrenses have embraced a heightened sense of vigilance, actively contributing valuable information to our operating troops, instrumental in identifying and neutralizing the remnants of the CTG in Negros, leading to a series of successful encounters.”

“As a result, our relentless combat operations persist, aiming to decisively end insurgency and bring about the shared vision of liberating Negros Island from the shackles of insurgency,” pahayag ni 3ID Commander Major General Marion R. Sison.

(JESSE KABEL RUIZ)

117

Related posts

Leave a Comment