3 TULAK ARESTADO SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang high value individual at isang streel level individual sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Ismael Reyes at Roliemar Viernes, kapwa nasa hustong edad at nasa listahan ng high value Individuals (HVIs) at Cesar Semeo, isang street level individual.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:12 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Imus Police Station sa Brgy. Alapan 1-A, Imus City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.    

Nakumpiska sa mga suspek ang 2.20 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P14,960, at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.  (SIGFRED ADSUARA)

93

Related posts

Leave a Comment