30 KILOS NG MARIJUANA NADISKUBRE NG BOC AT PDEA

NASA MAHIGIT 30 kilo ng high grade dried marijuana ang nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs, kasunod ng isinagawang X-Ray scanning at physical examination sa isang kahina-hinalang kargamento na naglalaman ng anim na kahon na nagmula sa Thailand.

Sa isinumiteng ulat sa tanggapan ni Bureau of Custom Commissioner Bienvenido Rubio, siniyasat ng Customs Intelligence and Investigation Service – Manila International Container Port, katuwang ang ilang tauhan ng PDEA, ang nasabing kontrabando.

Ayon kay Customs chief Rubio, nakatanggap ng derogatory information ang kanilang intelligence unit hinggil sa shipment mula sa bansang Thailand na tatangkaing ipasok sa Pilipinas, na naglalaman ng high grade marijuana na nagkakahalaga ng multi million pesos.

Patuloy ang isinasagawan imbestigasyon ng PDEA at BOC para sa mga tunay na pagkakakilanlan ng mga consignee, sender, at recipient ng balikbayan boxes na posibleng ipagharap ng kaukulang kasong may kinalaman sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(JESSE KABEL RUIZ)

46

Related posts

Leave a Comment