35 INDIBIDWAL ARESTADO SA ANTI-CRIME OPS

CAVITE – Umabot sa 35 indibidwal ang arestado sa ikinasang daily anti-criminality operations sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni P/Col. Christopher F. Olazo, Provincial Director, Cavite PPO, lima ang inaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operations na nagresulta sa pagkumpiska ng 15 sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Sa kampanya sa ilegal na sugal, 26 ang inaresto sa aktong naglalaro ng cara y cruz, mahjong, tong-its, at sakla.

Naaresto naman ng Tanza Police Station ang rank no.1, municipal level suspect na si Joel Mehila y Gapul, 26, dahil sa kasong rape o paglabag sa Art. 266-A in relation to RA 7610.

Isa ang naaresto sa kasong pagnanakaw sa isang department store sa Brgy. Habay 2, Bacoor City.

Isa naman ang naaresto sa Trece Martires dahil sa pananaksak habang sa Imus City ay isa rin ang inaresto dahil sa mauling incident at malicious mischief. (SIGFRED ADSUARA)

137

Related posts

Leave a Comment