4-ANYOS NA BATA NALUNOD SA SWIMMING POOL

LAGUNA – Nalunod ang isang 4-anyos na batang lalaki sa swimming pool ng isang private resort sa Calamba City.

Ayon sa report ng Calamba City police, nagtungo sa Spa De Medrana Private Pool Resort ang pamilya at kanilang mga kaibigan noong Sabado para sa kanilang overnight outing.

Subalit dakong alas-1:30 ng madaling araw noong Linggo, napansin ng mga ito na nawawala ang batang kinilalang si Darvin Ryco Ramos Binza.

Agad nila itong hinanap ngunit laking pagkabigla ng lahat nang makita ito sa ilalim ng swimming pool.

Agad itong sinagip at isinugod sa JP Rizal Hospital subalit binawian ng buhay makaraan ang anim na oras habang pinipilit na i-revive ng mga doktor sa emergency room ng ospital, dakong alas-8:00 ng umaga.

(NILOU DEL CARMEN)

79

Related posts

Leave a Comment