4 ARESTADO SA P576K DAMO

SWAK sa kulungan ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babae, matapos makuhanan ng halos P.6 milyon halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong mga suspek na sina Prea Enate, 21, ng Caloocan; Lyndon Regino alyas “Dodong”, 27, ng Brgy. Tonsuya; Mark Carlo Fortes, 20, ng Navotas City, at Jarwin Gamalog alyas “Aweng”, 20, ng Caloocan City.

Ayon kay Col. Barot, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz, ng buy-bust operation sa Salinas St., Brgy. Longos.

Nagawang makipagtransaksyon ng isang pulis na nagpanggap na buyer, kina Enate at Regino ng P16,000 halaga ng marijuana.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng isang brick ng marijuana, ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba, kasama sina Gamalog at Portes.

Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang tinatayang 4.800 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price na P576,000, buy-bust money at motorsiklo.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (FRANCIS SORIANO)

1

Related posts

Leave a Comment