4 ASG PATAY, 1 TIMBOG SA SAGUPAAN SA LAMITAN

0

APAT na kasapi ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay habang nadakip naman ang isa pa nilang kasamahan nang magsagupa ang mga kagawad ng PNP Special Action Force sa Barangay Balobo, Lamitan City, Basilan nitong Biyernes.

Sa report na natanggap ni PNP chief, Police General Guillermo T. Eleazar mula kay Special Action Force (SAF) Director MGen. Felipe Natividad, kinilala ang napatay na mga teroristang sina Baradi at Remie Ganie, Mando Morales at isang Jack Akalul habang arestado naman si Dawam Morales.

Ayon sa ulat, magsasagawa sana ng law enforcement operation sa bisa ng warrant of arrest ang mga tauhan ng PNP-SAF laban sa mga suspek para sa kasong murder, kidnapping at carnapping nang makipagbarilan ang mga ito sa mga pulis.

Ang nasabing Abu Sayyaf fighters ay pinaniniwalaang nasa ilalim ng pamumuno ni ASG sub-leader Radzmil Jannatul na pagsisilbihan sana ng arrest warrant.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang KG9 cal. 9mm submachine pistol, isang cal. 45 pistol, isang shotgun, isang cal. 30 at mga basyo ng bala mula sa iba’t ibang kalibre ng baril.

Pinapurihan naman ni P/Gen. Eleazar ang mga pulis na kasama sa operasyon subalit pinaalalahanan sila na manatiling nakaalerto sa posibilidad na paghihiganti ng mga lokal na terrorista. (JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment