4 BIKTIMA NG CRYPTO SCAM NA-INTERCEPT SA NAIA

NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na biktima ng crypto scam hub habang pasakay sa kanilang Philippine airlines (PAL) flight papuntang Cambodia.

Ang apat ay nasa early 20s or 30s at nagkunwaring konektado o nagtatrabaho sa isang pharmaceutical company sa bansa, at ayon sa mga ito, magbabakasyon lamang sila sa naturang lugar.

Ngunit pagdaan sa secondary inspection, nahalata na magkakaiba ang pahayag ng bawat isa, kung kaya’t isinailalim ang mga ito sa masusing pagsisiyasat.

Sa kalaunan, inamin ng apat na na-hire sila bilang customer service representatives (CSR) ng isang online casino company sa Cambodia, at pinangakuan ng 900 US dollar salary every month with free food and accommodation ng employer.

Ang mga biktima ay nasa kustodiya na ng Inter-Agency Council Against Trafficking upang sumailalim sa counselling at tulong bago pauwiin.

(FROILANG MORALLOS)

93

Related posts

Leave a Comment