4 DAYUHANG PUGANTE NATIKLO NG BI

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) ang apat na dayuhan na wanted sa kanilang mga bansa bunsod ng pagkakasangkot sa iba’t ibang serious crime.

Kinilala ang mga suspek na sina Kim Won, 34, at Kim Girok, 29, kapwa Korean nationals; Dutch national na si Jan Cornelis Stuurman,71, at ang 51-anyos American national na si Steven Vernon Cross.

Ayon sa report, nahuli si Kim Won noong Oktubre 10 sa kanyang pinagtataguang bahay sa Clark Pampanga, at natiklo si Kim Girok ng FSU noong Oktubre 13 sa isang condominium sa Taguig City.

Habang naaresto naman sina Jan Cornelis at Esteven Vernon Cross sa Virac, Catanduanes, at Metro Manila noong Oktubre 14 at Oktubre 18, dahil sa pagiging pedopilya at overstaying.

Nakarating sa kaalaman ng BI na sina Kim Won at Kim Girok ay mayroon nakabinbing warrant of arrest sa Dongbu District, at Daegu District Court kaugnay sa telecommunication fraud, prostitution racket at human trafficking scheme via internet. (FROILAN MORALLOS)

13

Related posts

Leave a Comment