4 KALABOSO SA P.2M SHABU

KALABOSO ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makumpiskahan ng mahigit P.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Navotas City.

Dakong alas-7:30 ng gabi nang masakote sa operasyon sa Langaray St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), Dagat-Dagatan sina John Claudy Labongray alyas “Daboy,” 20, at Thelma Israel, 52, kapwa ng Tondo, Manila, at nakumpiskahan ng 10.2 gramo ng shabu na P69,360 ang halaga, at P300 marked money

Bandang alas-7:45 ng gabi naman nang isagawa ang operasyon sa Tanigue Ext., Brgy. NBBS, Dagat-dagatan kung saan dinamba si Harvey King Ramos, 32, construction worker, ng Dagat-dagatan, Caloocan City at nakumpiskahan ng 10.4 gramo ng shabu na P70,720 ang halaga,at P300 buy-bust money.

Samantala, hinuli sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque dakong alas-11:15 ng gabi si Eduardo Felix alyas “Osim,” 38, ng Brgy. San Roque, nang paiskorin ng P500 halaga ng shabu ang isang undercover cop, at nakumpiskahan ng 13 gramo ng shabu na P88,400 ang halaga, at marked money. (ALAIN AJERO)

18

Related posts

Leave a Comment