4 LUGAR SA MM, 20-50 ORAS WALANG TUBIG – MAYNILAD

BUNGA ng isasagawang pagkumpuni sa isang major leak sa Makati City, makararanas ng mula 20 hanggang 57 oras na walang  suplay ng tubig ang apat na lugar sa Metro Manila mula  Marso 5 ng alas-3:00 ng hapon hanggang alas-11:59 ng gabi ng Marso 7.

Maapektuhan ng pagkukumpuni ang 115,000 service connections ng Maynilad Water Services Inc., sa mga lugar sa Maynila, Makati, Pasay at Parañaque.

Sinabi ng Maynilad, susuriin nila ang underground pipe upang matiyak ang laki ng pinsala na dapat nilang ayusin.

Una rito, nadiskubre ng Maynilad nitong nagdaang weekend ang major pipe leak mula sa lower-end ng isang blow-off assembly na nagdudugtong sa 2,200-millimeter diameter steel pipe na nasa pitong metro ang lalim ng lupa.

Bunga nito, pinayuhan ng Maynilad ang mga residente sa apektadong mga lugar na bago mag-Marso 5 ay mag-ipon na agad ng tubig para may magamit na suplay sa panahon ng water interruption.

Ayon sa Maynilad, may iikot umanong trak ng tubig ng Maynilad sa apektadong mga lugar para magbigay ng tubig sa mga residente doon. (PAOLO SANTOS)

60

Related posts

Leave a Comment