4 MAGKAKAANAK SUGATAN SA AMOK

PAWANG sugatan ang apat na magkakaanak na umawat sa nag-amok na kalugar na armado ng itak noong Martes ng gabi sa Navotas City.

Nananatiling nakaratay sa ospital ang mga biktimang sina Matias Cruz, tricycle driver; Agustin Cruz, 53, aircon technician; Ronaldo Cruz, 41, security guard, at Christian Cruz, 39, pawang ng Brgy. Sipac Almacen, ng lungsod.

Nahuli naman at nahaharap sa kasong multiple physical injuries at illegal possession of bladed weapon ang suspek na si Joshua Rayos, 22, kalugar ng mga biktima.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-7:00 ng gabi, nakaupo sa nasabing kalye ang mga biktima nang dumating ang suspek na hinamon ng suntukan ang mga ito.

Pinayapa ni Matias ang suspek na umuwi naman subalit bumalik ito na armado ng itak at nang tangkaing awatin ng mga biktima ay hinalihaw sila ng taga kaya’t nasugatan ang mga ito.

Nasawata lamang si Rayos nang dumating ang mga tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek habang isinugod sa ospital ang mga sugatan. (ALAIN AJERO)

10

Related posts

Leave a Comment