4 PNP SENIOR OFFICERS BINALASA

APAT na senior police officers ang naapektuhan sa ipinatupad na reshuffle ng Philippine National Police.

Sa panibagong rigodon na pirmado ni Police Major General Robert Rodriguez, hepe ng Directorate for Personnel and Records Management, epektibo kahapon, Oktubre 17, 2023, ipinatupad ang mga bagong unit assignment.

Inalis bilang hepe ng Manila Police District (MPD) si P/BGen. Andre Dizon at itinalaga siya bilang acting Director ng PNP Retirement and Benefits Administration Service.

Habang si P/Col. Arnold Ibay na mula sa Office of the Chief PNP, ay itinalagang hepe ng MPD.

Acting Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office 10 naman ang bagong unit assignment ni Police Col. Danilo Alamban Bacas na galing sa Directorate for Communications and Technology Management.

Mula naman sa PNP Retirement and Benefits Administration Service, inilipat si P/BGen. Niño David Licos Rabaya bilang acting Deputy Director for Comptrollership.

(JESSE KABEL RUIZ)

199

Related posts

Leave a Comment