4 STAFF NG GAS STATION, HULI SA NAKAW NA GASOLINA

LUCENA CITY – Arestado ang tatlong empleyado at ang asawa ng cashier matapos magkutsabahan sa pagbebenta ng ninakaw na gasolina mula sa kanilang pinagtatrabahuan na gasoline station sa lungsod.

Ayon sa report, makaraan ang isinagawang surveillance operation ng mga tauhan ng ng Lucena City Police station at Quezon PNP Intelligence Unit, nabuko at naaresto nitong maghahatinggabi ng Biyernes, ang mga suspek na sina Shara Joy Baylon Demetrial, 28, cashier ng Petron Gas Station branch sa Old Maharlika highway, sa Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City; Mark Joseph Beltran, 27, at Billy Joe Valencia Jarmin, 32, kapwa pump attendant.

Inaresto rin ang mister ng cashier na si Anthony Lachica Betita na kasabwat din umano sa krimen.

Batay sa imbestigasyon, modus ng mga suspek na magnakaw ng gasolina sa pamamagitan ng pag-pump sa plastic containers.

Ang asawa naman ng cashier na si Betita ang pumi-pick-up ng mga container at ikinakarga sa kanyang e-bike para ibenta sa kanilang mga kustomer.

Nakakulong na ang mga suspek sa Lucena City Police station custodial facility at nakatakdang sampahan ng kaso.

(NILOU DEL CARMEN)

63

Related posts

Leave a Comment