4 SUNOG NAITALA SA MAYNILA SA FIRE PREVENTION MONTH

APAT na magkakasunod na sunog ang sumiklab sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Maynila, iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Unang iniulat ang sunog sa isang bahagi ng San Andres Bukid na kung saan inagaw pa ng ilang residente ang hose ng mga fire volunteer.

Sumunod, bandang 12:45 noong Lunes ng hapon nang sumiklab ang sunog sa panulukan ng Tayuman at Almeda Streets sa boundary ng Sta. Cruz at Tondo kung saan tatlong aso ang natupok.

Nitong Martes ng umaga nang sumiklab ang sunog sa isang pagawaan ng mga bote ng San Miguel Corporation sa Delpan Tondo, Manila bandang alas-6:00 ng umaga.

Umabot lamang ito sa unang alarma at idineklarang fire under control dakong alas-7:52 ng umaga.

Samantala, nasunog din ang isang residential area sa panulukan ng Bambang at Kalimbas Streets sa Sta. Cruz, Manila 

Nagsimula ang sunog alas-6:31 ng umaga nitong Martes at itinaas sa ikalawang alarma.

Pasado alas-7:00 ng umaga tuluyang naapula ang sunog na nakaapekto sa tinatayang sampung pamilya.

Ang apat na magkakahiwalay na sunog ay patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang mabatid kung ano ang sanhi at kung magkano ang kabuuang halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy. (RENE CRISOSTOMO)

528

Related posts

Leave a Comment