4 TIKLO SA DRUG DEN SA ‘BORACAY’

ISANG drug den ang sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng Quezon City Police District PS-10 matapos na ituro ito sa PDEA anti-drug campaign na ‘Isumbong Mo Kay Wilkins’ na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na drug personalities sa sa Boracay Area, Barangay Piñahan, Quezon City.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, naaktuhan ng kanyang mga tauhan ang apat na mga suspek  na kinilalang sina  Rose Mary Ordoño y Arellano, 35; Arthur Cambay y David, 51; Renato Sison y Periña, 28, at Jessie Ordoño y Estrada, 42, pawang mga residente ng Boracay area,  #23 Maunlad St., Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Nakuha sa umano’y drug den ang 15 gramo ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.

Sa isinumiteng report ni PDEA QCDO District Officer IA-V Cham Sulit kay PDEA NCR Regional Director Christian O. Frivaldo, bandang alas-2:10 ng hapon, sinalakay nila, kasama si QCPD PS-10 Station commander, P/Lt. Col. Elizabeth D. Jasmine, ang  bahay na ginawang drug den sa Boracay area.

Ang apat na mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (JESSE KABEL)

6

Related posts

Leave a Comment