4 TULAK NABITAG SA ANTI-DRUG OPS NG PNP-PRO5

BAGAMA’T papalapit na ang Kapaskuhan, wala pa ring humpay ang PNP-PRO5 sa paglulunsad ng mga operasyon kontra ilegal na droga upang dakpin at pigilan ang paglaganap nito sa rehiyon.

Muling nagbunga ang pagsisikap ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, sa pagkakahuli sa apat na drug personality sa magkakahiwalay na buy-bust operation.

Umabot sa P397,000 ang kabuuang halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa magkakahiwalay na anti-narcotics drive.

Kasama sa mga nahuli ang top 2 sa Regional Recalibrated Illegal Drug

watchlist na kinilalang si Dominador Inocalla y Velacruz, 46, nadakip sa Zone 2, Sta. Cruz Proper, Brgy. Sta. Cruz, Naga City at nakumpiskahan ng P14,500 halaga ng ilegal na droga.

Sa kabilang dako, sa Daet Camarines Norte, nasamsam naman ng mga awtoridad ang 13 pakete ng umano’y shabu na P40,000 ang halaga sa hinihinalang tulak na kinilalang si Jerome Asis, 26, sa napagkasunduang tagpuan sa Travelers Hotel, Purok 1, Brgy. Camambugan, Daet, Camarines Norte.

Arestado rin ang isa pang suspek na kabilang sa Regional Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs na si Sonia Sta. Ana y Lasima na nakumpiskahan ng limang sachet ng shabu na P1,000 ang halaga, sa operasyon sa Zone 3, Brgy. Sabang, Calabanga, Camarines Sur.

Kulungan din ang kinahantungan ng isang 25-anyos na si Gerald Alegre y Deborde nang dakpin ito ng mga operatiba sa Zone 5A, Brgy.

Penafrancia, Naga City dahil sa lantarang pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Ang nahuling mga indibidwal ay nasa kustodiya na ng himpilan ng PNP-PRO5 para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JESSE KABEL)

3

Related posts

Leave a Comment